Alam mo ba? Ang mga sunog na sanhi ng paninigarilyo ay ang pangunahing dahilan ng pagkamatay na nauugnay sa sunog. Ang halaga ng pinsala sa ari-arian, kasugatan, at pagkamatay ay umaabot sa £280M sa UK o PHP20 billion.
Iyong Pera at ang Mas Malawak na Epekto ng Paninigarilyo
Ang pinansyal na gastos ng paninigarilyo
Ang paninigarilyo ng 20 sigarilyo sa isang araw (PHP20 bawat stick) ay nagkakahalaga ng PHP2,800 kada linggo o PHP145,600 kada taon.
Iyan ang presyo ng isang maliit na segunda-manong sasakyan!
Gamitin ang interactive na calculator ng gastos upang makita kung magkano ang ginagastos mo sa mga sigarilyo
Calculator ng gastos
- Magkano ang halaga ng isang pakete ng sigarilyo?
- Ilang sigarilyo ang nasa isang pakete?
- Ilang sigarilyo ang hinihithit mo sa isang araw?
- Ilang taon ka nang naninigarilyo?
- ₱0
- ₱0
- ₱0
₱0
I-reset
Ang gastos sa kapaligiran ng paninigarilyo
Ang tabako ay madalas na itinatanim sa mga bansa kung saan ang lupang sakahan at tubig ay kailangan upang magtanim ng pagkain.
Ang pagsasaka ng tabako ay humahantong sa pagkakalbo ng kagubatan kaya hindi na magagamit ang ekta-ektaryang lupang ito para sa produksyon ng pagkain.
Isang (1) puno ang kailangan sa paggawa ng papel para sa 300 na sigarilyo. Sapat lamang ito para sa dalawang (2) linggong paninigarilyo ng 20 na sigarilyo kada araw.
Dahil dito, mahigit kumulang 600,000,000 na puno ang ginagamit sa isang taon, sa buong mundo.
May mga 4.5 trilyong upos ng sigarilyo ang dumudumi sa ating mga ilog, karagatan, kalsada, dalampasigan, parke, lupa, at bangketa.
Ang green tobacco sickness – isang uri ng pagkalason sa nikotina – ay maaaring maranasan ng mga nagtatanim ng tabako.
Alamin ang higit pa
- The cost of smokinghttps://www.philstar.com/business/2018/11/21/1870260/cost-smoking