Iyong Itsura

Ang mabahong hininga, buhok at kamay, at naninilaw na mga kuko sa daliri ay hindi magandang tingnan!

Ang paninigarilyo ay maaari ding:

  • Magdulot ng wrinkles o pangungulubot ng mukha.
  • Pabilisin ang iyong pagtanda.
  • Pabagalin ang paggaling ng mga sugat.
  • Makaapekto sa iyong pagtulog (mas magmumukha kang pagod at makakaramdam ng matinding kapaguran).

Bukod sa pagdudulot ng mabahong hininga, ang paninigarilyo ay seryosong nakakapinsala rin sa iyong mga ngipin! Nagdudulot ito ng paninilaw at pananakit ng gilagid na maaaring humantong sa pagkabungi o pagbulok ng ngipin.

Mga maling akala

MALI: Pinapanatili kang payat ng paninigarilyo.

Ang mga taong huminto sa paninigarilyo ay maaaring tumaba nang kaunti. Habang ang paninigarilyo ay bahagyang nagpapataas ng iyong metabolismo, ang pagtaas ng timbang ay kadalasang bababa sa paglipas ng panahon.

Gayunpaman, madalas na pinapalitan ng mga taong huminto sa paninigarilyo ang mga sigarilyo ng pagkain at inuming nakaka-ambag sa pagtaas ng timbang. Kaya naman, mas mabuti nang maging mabigat nang kaunti at huwag nang manigarilyo.

Alamin ang higit pa