MALI: Ang pinsala sa iyong kalusugan mula sa paninigarilyo ay hindi mo mararanasan habang ikaw ay bata at malakas pa.
Iyong Kalusugan
Ang mga sigarilyo ay naglalaman ng ilang sangkap na maaaring ikagulat mo!
Ang tar sa mga sigarilyo (isang by-product mula sa pagsunog sa kanila) ay bumabara sa alveoli sa baga at nagiging sanhi ng pag-ubo. Binabawasan nito ang dami ng hangin na nalalanghap ng mga naninigarilyo at maaaring magdulot ng mga malalang problema sa paghinga tulad ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD). Ang paninigarilyo ay nagpapaliit din sa mga arterya sa paligid ng puso, na siyang nagpapahirap lalo sa pagdaloy ng dugo papunta sa puso at nagpapataas rin sa panganib na magkaroon ka ng sakit sa puso.
Sa tingin mo ba, ang paninigarilyo ay nagdudulot lamang ng kanser sa baga? I-click ang graphic upang makita ang maraming uri ng kanser na maaari mong makuha kapag naninigarilyo ka.
Paglanghap ng second-hand smoke
Ang paglanghap sa usok ng ibang tao ay kilala bilang exposure sa second-hand smoke o passive smoking. Kapag naninigarilyo ka, hindi lang ang iyong kalusugan ang nalalagay sa panganib, kundi ang kalusugan ng sinuman sa paligid mo.
Ang paninigarilyo habang nagbubuntis ay maaaring humantong sa mababang timbang ng sanggol sa kapanganakan. Kung ang isang ina ay naninigarilyo habang siya ay buntis, ang kanyang sanggol ay tila naninigarilyo rin at maaaring magdusa ng mas maraming ubo at sipon kapag siya ay ipinanganak.
Ang pagkaadik sa nikotina ay napakamapanganib!
Kung mas malakas kang manigarilyo, mas maraming nikotina ang kailangan mo upang ikaw mapakalma. Ginagawa nitong mahirap ang paghinto sa paninigarilyo dahil ang iyong utak ay naghahangad ng epekto ng nikotina. Ang epekto nito ay hindi tumatagal kaya’t paulit-ulit lang ito.
MALI: Ang isang sigarilyo o paminsan-minsang paninigarilyo ay hindi hahantong sa pagkaadik.
Ang ilang mga kabataan ay nalululong sanhi ng pagsubok ng isang hithit o dahil sa kanilang unang beses na paninigarilyo.
Stress at paninigarilyo
Ang pang-araw-araw na buhay ng isang kabataan ay maaaring nakaka-stress at emosyonal. Ngunit ang pagbaling sa tabako ay hindi solusyon – ito ay magdaragdag lamang sa iyong mga problema. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng “pahinga” sa mga naninigarilyo kaya naiisip nila na ang mga ito ay nakakapagpawala ng stress, subalit ang katotohanan ay, ang sigarilyo ang siyang nagdudulot ng stress!
Ang pag-depende sa nikotina ay nauugnay sa impulsivity, mood disorders, anxiety, at depression. Ang nakakahumaling na kalikasan ng nikotina ay nangangahulugan na maaari nitong palalalain ang mga problemang ito. Ang stress ay maaaring bunga rin ng pagnanasa ng utak ng karagdagang nikotina.
Kakayanin mo ang stress nang hindi gumagamit ng tabako! Maaari mong subukan:
- Makipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya mo tungkol sa mga nararamdaman mo.
- Huminga ng mabagal at malalim.
- Mag-ehersisyo.
- Makinig sa mga nakakakalmang musika.
MALI: Ang paninigarilyo ay nakakabawas ng stress.
Ang mga sigarilyo (at karamihan sa mga vape) ay naglalaman ng nikotina, na nakakahumaling at lumilikha ng pansamantalang pakiramdam ng pagpapahinga ngunit ito ay nagpapataas ng panganib ng pagkaadik sa paninigarilyo o paggamit ng vape.
- Isang tao ang namamatay kada anim na segundo dahil sa paninigarilyo – WHOhttps://www.pchrd.dost.gov.ph/news_and_updates/one-person-dies-every-six-seconds-due-to-smoking-who/
- Ano ang nagagawa ng paninigarilyo sa iyong katawan? Interactive na toolhttps://www.smokefree.org.nz/smoking-its-effects/health-effects/what-is-smoking-doing-to-your-body
- ALAMIN: Gaano ka-Deadly ang Secondhand Smoke?https://www.youtube.com/watch?v=5yx-vFNwa-E