Karamihan sa mga vape ay naglalaman ng nikotina kaya maaari kang maadik sa mga vape tulad ng mga tao na adik sa sigarilyo. Ang mga kabataan ay mas madaling magkaroon ng nicotine dependence kaysa sa mga mas nakatatanda.
Mga E-cigarette at Vape
Ano ang E-cigarette at ano ang vaping?
Ang e-cigarette ay isang aparato na nagbibigay-daan upang iyong malanghap ang nikotina sa vapor sa halip na usok. Gumagana ang mga e-cigarette sa pamamagitan ng pag-init ng likido na karaniwang naglalaman ng nikotina at mga pampalasa kasama ng iba pang mga kemikal. Ang paggamit ng E-cigarette ay kilala bilang vaping.
Vaping
Iminungkahi ng pananaliksik na ang paggamit ng vaping ng mga kabataan ay tumataas.
Nalaman mula sa isang kamakailang pag-aaral ng University College London na…
noong Enero 2022, 15% ng mga 18 taong gulang na mga respondent sa survey sa Great Britain ang nag-vape. Tumaas mula sa 11% noong Enero 2021.
Vaping at epekto sa kalusugan
Ang mga kabataang nag-vavape ay may dobleng tyansang magkaroon ng malubha at matagal na ubo kumpara sa hindi gumagamit.
Maaaring bawasan ng vaping ang paggana ng baga at ang resistensya laban sa sakit, nagdaragdag ng panganib mula sa impeksyon. Ang pinsala sa baga dulot ng vaping ay tinutukoy bilang e-cigarette o vaping associated lung injury (EVALI para maikli).
Ang vaping ay lalong nauugnay sa sakit sa gilagid.
Ang buong epekto ng vaping sa kalusugan ay hindi pa alam – ngunit mayroong panukala na ang mga aparato na mura ang pagkakagawa ay maaaring lubos na mapanganib.
Vaping at adiksyon
- Top 2 health risks ng vaping!https://www.youtube.com/watch?v=eFlxiP2nvzo
- Electronic Cigarettehttps://doh.gov.ph/node/64